Wednesday, August 17, 2011

and the "cat" came.


May nakilala akong isang freshman. Kasama kasi siya sa section na BM1-A6 sa skul namin. Ang name niya ay Ranea. Siya nga ung unang nag approach sa akin nung orientation period namin sa kanila. Nakakatuwa nga siya eh, kasi ang kulit-kulit at kilos bata. though alam ko namang hindi naman talaga siya ung tipong hindi marunong lumugar. Matalino nga din siya, pero inosente nga lang din siya. Sabi nga niya "innocence is bliss" daw. May mga bagay na hindi mo na din minsan gugustuhing malaman kasi mawawala nga pagiging inosente mo. Akala nga nung iba sa kanya maarte siya, pero sa pananalita lang naman. Ang bait-bait nga nito eh, sabi nga niya sa akin na kaya naabuso siya dati kasi dahil sa kabaitang yun. Iniisip ko nga na mas mabuti na din na maging mabait kaysa maging bitter sa ibang tao.

Sa sobrang tuwa ko nga sa kanya, naisipan ko siyang bilhan ng kerochan sa comic alley. Kasi tingin ko na sa kanya bunsong kapatid eh. Kasi tulad nga ng sinabi ko, kilos bata siya kaya tingin ko nga sa kanya bata. tapong ngiting pusa pa yan kaya tinatawag ko siya pusa. Ung pagiging inosente niya ung tipong madami siyang tanong pero kapag alam niyang hindi na dapat niya malaman hindi na siya nagtatanong. Siguro kung hindi ka sanay sa kanya, maiinis ka kasi makulit siya at matanong. Pero yun naman kasi talaga siya eh. And then, inaalam ko mga favorites niya kasi syempre kung maisipan ko man, bibigyan ko siya nun. Sa akin naman walang meaning yun, hindi ko lang alam sa ibang tao. Pero masasabi ko lang, isa siya sa mga importanteng tao sa akin, dahil kapatid na talaga tingin ko sa kanya. :)

0 comments: